序
Ito ay aklat na dinisenyo para sa Pilipinong wala pang alam o magsisimula pa lamang mag-sariling aral ng Mandarin.
■Unang Hakbang: Kilalanin ang mga notas ng ponetika at ang mga “pinyin” ng Mandarin.
Unahing alamin ang 37 na ponetika at ang sunod-sunod na pagka-ayos ng mga “Inisyal”, “Gitnang Katinig”at “Patinig”. Saka dagdagan ng mga “Tono” para mabigkas ng mabuti ang Mandarin. May kasama pang pagsasanay sa pagsusulat ng mga ponetika, para matandaan ng mabuti.
■Pangalawang Hakbang: Meron 22 piling-pili at praktikal na aralin na binubuo ng “pag-uusap”, “bokabularyo”, “mga kaugnay na salita” at “pag-larawan ng gramatika”.
Sa simula ay matututunan makipag-usap sa tao sa unang pagkikita. “Nagagalak ako na makilala ka” at 22 na pinaka-praktikal at madalas na gamitin sa usapan. Sa parte ng “usapan”, ginawa itong mas maikli para mas malinaw na ipahayag. Sa parte naman ng “bokabularyo”, inayos at pinagsama din ang mga madalas gamitin sa pang-araw-araw na paguusap, para madaling kabisaduhin. Maliban dito ay may karagdagan pang mga madalas na ginagamit na “mga kaugnay na bokabularyo”.